Friday, June 22, 2012

Follow the Procedure

Ang ilang mahahalagang proseso at paraan ng mga gagawin sa RITM. Paalala sa mga baguhang kumpirmado  na positibo sa HIV dapat ninyong ilaan ang buong araw sa RITM para sa mga kaukulang proseso. Kung kayoy may mga importanteng lakad o pupuntahan. Mas mahalaga ang iyong kalusugan at buhay kaysa sa mga bagay na pwedeng ipagpaliban.

1. Sabihin sa officer na ikay magpapatest or ipapagawa ang CD4
2. Isulat ang iyong Alyas(di tunay na pangalan), numero ng telepono or cellphone, at lagda
3. May kapirasong papel na ibibigay sayo at ganun din ang iyong isusulat kapareho ng #2
4. Iaabot mo ang resulta ng Western Blot  kung meron ng kompermasyon na ikaw ay positibo sa HIV/AIDS
5. Magbayad sa kahera ng 120.00 para sa orange card (ito ay magsisilbing registration card mo sa hub)
6. Pagkatapos magbayd pumunta sa isang window kalapit ng casher window. Sabihin orange card para sa ARG. may ilang katanungan kailngang sagutin.
7. Bumalik sa ARG room
8. Ibigay ang orange card sa officer at doon may ibibigay na ilang papeles para sagutan. Tungkol ito sa personal mong impormasyon at hindi ka dito gagamit ng alyas or code.
9. Ibalik sa officer pagkatapos sagutan at pirmahan ang kaukulang dokumento.
10. Maghintay sa isang pagpupulong tungkol sa Philhealth.

Ang pagsusumite ng Philhealth ay may dalawang paraan ito ay depende sa iyong status. Kung ikaw ay employed at self-employed. May kaukulang qualipikasyon ang philhealth bago mo ito magamit.

Qualification:
1. Dapat hindi baba sa 6 na buwan ang contribution sa Philhealth
2. Dapat mababa sa 350 ng bilang ng CD4
3. Ikaw ay nagsisimula ng uminom ng mga kaukulang gamot tulad ng ARV para sa iyong HIV/AIDS.

Proseso ng Employed
1. Kailngan magsumite ng ng Mb4 form at CF1 form ng philhealth
2. Humingi ng sertipiko ng contribution sa Philhealth kung sakaling ikaw ay lumipat ng ibang kumpanya.
    (Hal.: itong taon ay nagtrabaho ka sa company X pagkaraan ng 5 buwan ay lumipat ka ng company Y
    dapat humingi ka ng kaukulang dokumento or sertipikasyon na ang contributin mo sa PhilHealth ay up to
    date mula sa company X)
3. Ang Mb4 at CF1 form ay dapat na may pirma ng employer o ng kumpanyang pinagtatrabahuan mo.
4. Isumita ang lahat ng dokumento sa ARG office.

Proseso ng Self-Employed
1. Isumite ang CF1 form
2. Resibo ng pinagbayaran sa PhilHealth

Ang mga kaukulang proseso ay sasabihin ng officer. Kung kayoy may mga katanungan tungkol sa mga nasabing proseso wag mahihiyang magtanong. Pagkatapos ng orientation sa PhilHealth kayo ay tatawagin ng nurse o officer para sa laboratory request.


1. Hintayin ang pangalan na tawagin ng officer or nurse (tandaan ang inyong alyas na ibinigay dahil tatawagin kayo sa inyong alyas hindi sa tunay na pangalan)
2. Kakausapin ka ng nurse tungkol sa mga ibang laboratoryo na iyong isinagawa 6 na buwan ang nakararaan bago ka natuklasang positibo ka na sa HIV/AIDS .
3. May laboratoryong request na ipapagawa at ito ang CD4, Urinalysis, Feces collection, CBC, X-ray at etc... (paumanhin hindi ko na matandaan ang dalawa). May ibibigay din iniksyon (injection) na ibibigays sa botika para lagyan ng gamot para sa skin test.
4. Pumunta sa laboratoryo katabi ng botika sa kanan kasunod ng x-ray room
5. Ibigay ang mga request sa lab-technician at hintaying tawagin ang inyong pangalan
6. Pagkatapos ng lahat ng laboratoryo bumalik sa ARG office

Sasabihin sa iyo ng officer na kailngan mong bumalik sa hapon mga bandang 2:30 - 3:00 hapon para sa resulta ng CD4. Yun ang unang ibibigay ng laboratoryo dahil doon magbabase ang doktor kung ikaw ay magsisimula ng magtake ng gamot na ARV.

Ang lahat ay may kaukulang proseso at mga dapat sundin. Ganun din ang buhay ng tao. May mga proseso at paraan tayong dapat nating sundin at gampanan sa tamang oras at panahon. Mga tunguling hindi natin pwedeng baliwalain. Ngayon tayo ay positibo sa sakit na ito. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan tayo mabubuhay ngunit isa lang ang dapat nating tandaan. Panatilihin nating malusog ang ating pangangatawan, uminom ng gamot sa tamang oras, kumain ng wastong pagkain at ehersisyo. Sa mga prosesong ito hahaba pa ang mga buhay natin kahit na sa loob ng katawan natin ay may unti-unting pumapatay. 





1 comment:

  1. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete