Maraming pagkakataon ang dumating sa ating buhay upang tayo ay maging masaya at mamuhay ng mapayapa. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana hindi natin alam kung kailan niya babaguhin ang gulong ng takbo ng buhay natin. Pero sa kabila ng pabago bagong takbo ng buhay natin may isa tayong bagay na dapat gawin ang paghandaan ang lahat ng pagbabagong iyon. Tulad ng nangyari sa akin ngayon hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari sa aking buhay na ako ay magiging positibo sa HIV. Tingangap ko ang labang ito ng walang pagaalinlangan. Ang bagong hamon sa aking buhay na kung saan hanggang kailan ako lalaban sa sakit na ito para mabuhay ng matagal. Tinangap ko ang pagkakamaling nagawa ko at wala akung sinisisi na tao dahil wala naman talaga kundi ang sarili ko. Walang mangyayari sa akin kung sakaling sisihin ko man ang ibang tao, mawawala ba ang virus sa katawan ko kung sakaling sisihin ko siya? Sana wala na lang sisihan bagkus magtulungan tayong labanan ang sakit na ito para mabuhay tayo ng matagal sa mundong ito hindi lang para sa ating sarili kundi para na rin sa ating mga mahal sa buhay. Wala na tayong magagawa pa kundi ang tangapin nang buong puso ang pagkakamaling nagawa. Magpasalamat sa diyos sa lahat ng biyayang binibigay niya sa atin mga pagsubok na hindi natin alam kung masama or mabuti para atin. Ihingi ng tawad ang lahat ng pagkakamali at ayusin ang pwede pang ayusin para manatiling matatag, normal at mapayapa ang buhay natin. Para bago man tayo mawala sa mundong ito may nagawa parin tayong mabuti para sa ating pamilya at sa ibang tao.
No comments:
Post a Comment