Friday, June 8, 2012

Lungkot at Saya

Ang kaligayahan ng tao ay nararamdaman sa maraming paraan. Iba't ibang uri ng kaligayahan halimbawa na lang ng kaligayahan sa pamilya, kaibigan, materyal na bagay, kapaligiran, hayop, halaman, puno, bulaklak at marami pang iba. Ngunit hindi lahat ay masaya dahil ang mundo ay hindi magiging balanse sa kahit anong meron ito kung lahat ay puro saya. Nandyan ang dalamhati, lungkot, pagsisi, pagaalala, at pangungulila. Ang lahat ng ito ay nararamdaman ng taong may HIV tulad ko. Alam kung hindi pa sigurado ang ikatlong test na nagawa sa akin ngunit tinangap ko na ang katotohanang meron ako. 2-4 na linggo ako dapat maghintay ng resulta ng huling test sa akin para makumperma na positibo talaga ako sa HIV and Western Blot. Ano nga ba ang Western Blot?

Ang Western Blot ay ang pagsusuri sa dugo ng isang taong positibo sa HIV. Dito nalalaman ang presinsiya ng mga protena na nasa loong ng isang cell ng HIV virus. Dito rin malalaman ang nagiging dahilan ng pagkakasakit ng taong may HIV at ang klase ng strain ng HIV meron nito. Try to click this link for more information: http://en.wikipedia.org/wiki/Western_blot

Tulad ng sinabi ko sa mga naunang post ko na wala pang kompermasyon ang huling test sa akin. Habang ako'y naghihintay ng resulta minabuti ko munang umuwi ng Maynila para madalaw ang aking mga mahal sa buhay at masabi ko na rin sa kanila ang masamang balita tungkol sa aking sakit. Maraming bumagabag sa akin habang naghihintay ako ng araw ng pagalis. Isa na rito kung may lakas ba ako ng loob na sabihin sa kapatid ko na may sakit akung tulad nito.

[Ika - 19 ng Mayo 2012]
Isang araw ang nakalipas simula ng nalaman ko na positibo ako sa HIV sa ikatlong pagkakataon. Kailngan kung kalimutan pansamantala ang tungkol sa bagay na ito pansamantala upang masulit ko naman at marelax pansamantala pagkatapos ng lahat nangyari sa akin. Dalawang linggo akung magbabakasyon sa Maynila na kung saan maraming oras at panahon ng paghahanda upang sabihin ang tungkol sa aking karamdaman. Dumating ako ng Maynila ng gabing iyon at masayang masaya ako dahil nandito ako sa lugar na kung saan ako ipinangnak at lumaki. Nandito lahat ng malalapit kung kaibigan at ang itinuring kung pangalawang pamilya ng mahabang panahon. 

[Ika - 27 ng Mayo 2012]
Araw ng linggo makalipas ang anim na araw na nasa maynila ako. Maaliwalas ang araw ulap ng araw na ito. Tahimik ang kapaligiran at tanging tunog ng sasakyan sa kalye lamang ang iyong maririnig. Masaya ang gising ko ng araw na ito. Araw ng linggo ito ang araw na kailangan kung bisitahin ang isang lugar na madalas puntahan naming magina noong siya nabubuhay pa ang simbahan ng Quiapo. Inaya ko ang aking matalik na kaibigan at kababatang si Bonyok na samahan ako sa Quiapo na magsimba. Bakante naman ang oras niya ng araw na iyon kaya makapagbonding kaming dalawa na matagal na naming hindi nagagawa. Pagdating namin sa Quiapo sa unang pagtapak ng aking kanang paa sa sahig ng simbahan ay nangilid ang aking luha. Subrang naramdaman ko ang loob at presinsiya ng maykapal sa loob ng simbahan na pakiramdam ko ay tanging ako at ang Diyos lamang ang nasa loob ng kuwartong iyon at walang ibang tao. Napaluha ako dahil sa matagal na panahong ding hindi ako nakabisita sa simbahang iyon. Ito ang poong itim na nazareno, ito ang simabahan lagi naming pinupuntahan naming magina. Tahimik ang kapaligiran at tanging boses lamang ng pare ang iyong maririnig at ang musika ng simbahan. Taimtim akung nagdasal at humingi ng kapatawaran sa lahat ng nagawa kung pagkakamali at kasalanan sa kanya. Di ko na naiwasan pang lumuha sa nakapikit kung mga mata at ang isip kung nakatoon lamang sa kanya. Pagkaraan ng 30 minuto sa loob ng simbahan naging mapayapa ang aking pakiramdam. Humingi ako ng lakas ng loob at gabay sa kanya na ito ang araw na sasabihin ko ang katotohanan kay Bonyok at sa kapatid niya na si Erika. Nagkita-kita kaming tatlo kasama ang bunsong anak ni Erika na si Mac. Sabay sabay kaming naghapunan sa isang resturan dito sa Makati. Sa gitna ng aming salo-salo at paguusap seryoso akung nagtanong sa kanila. Tatangapin pa rin ba nila ako bilang kapatid, kaibigan at kapamilya nila pagnalaman nila ang tungkol sa aking sakit. Walang dalawang salita sinagot nila ako si Ate Erika kinabahan sa aking inasal. Si Bonyok nanahimik at naghihintay sa aking sasabihin. Buong tapang kung sinabi sa kanila ang tungkol sa sakit ko na walang ibang nakakaalam kundi si White at ako lamang. Nanahimik ang lahat, Nagulat sa masamang balitang aking sinabi, hindi alam kung paano magrereact sa narinig. Pagkaraan ng ilang minutong katahimikan niyakap ako ni Ate Erika at sinabing wala na tayong magagawa diyan kundi ang tangapin ang katotohanan. Mamuhay ng normal tulad ng iba at magdasal. Masaya ako sa aking narinig mula kay Ate Erika positibo nilang tinangap ang balita. Gayundin sa aking matalik na kaibigan na si Bonyok. Bigla sa gitna ng seryosong usapan ay nangibabaw ang tawanan dahil sa sinabi kung "MALANDI" kasi ako ha ha ha. Tawanan ang lahat muli pinagpatuloy namin ang aming bonding moment na tatlong magkakapatid. Natapos ang araw na ito na masaya ako dahil una nadalaw ko ang Simabahan na matagal ko ng hindi nadadalaw. Pangalawa nakasama ko ang bestfriend ko ng buong araw pati na ang aking inaanak at si ate erika. Pangatlo nasabi ko sa kanila ang tungkol sa aking karamdaman at buong pagmamahal pa din nila akung tinangap ng walang pagaalinlangan. Salamat sa Diyos at binigyan niya ako ng lakas ng loob na sabihin ang lahat sa aking pangalawang pamilya. Sino kaya ang susunod kung pagsasabihan? Abangan sa susunod na post ko. Salamat



No comments:

Post a Comment