Wednesday, June 6, 2012

Paano? Kailan? Saan? at Sino?

Di ko alam kung paano ko sisimulan ang blog na ito pero ito lang din ang tanging paraan ko na mailabas ang lahat ng nararamdaman ng puso at laman ng isip ko at maibahagi na rin sa iba ang aking kuwento. Maging ito man ay insperasyon or payo sa ibang tao. Paano ko ba sisimulan ang lahat? Paano ba ako mabubuhay ng matiwasay na walang iniisip na problema  Lahat tayo may kanya kanyang pananaw sa buhay na kung saan ating iniisip ang mabuhay ng walang kahit anong iniisip na sakit. Ngunit ang lahat ng ito ay walang kasiguraduhan na kung kailan mangyayari at kung sa paanong paraan ito darating sa atin. Kailan mo ba malalaman na sa pakiramdam mo ay ok ka ngunit hindi mo alam sa kabila ng masigla at malusog mong pangangatawan ay may kung anong organismo na pala sa loob ng iyong katawan na unti-unting pumapatay sa iyo. Ngayon magtatanong ka sa iyong sarili na saan ko ba nakuha ang sakit na ito? Sa simpleng lagnat na iyong naramdaman ay bigla ka na lang manghihina na sa pakiramdam mo ay katapusan mo na o pakiramdam mo ay mamatay ka na bukas. Maraming pumapasok na tanong sa ating isipan na kung ano anong bagay na hindi mo naman masagot ng maayos sa iyong sarili. Hindi mabigyang linaw ang lahat. Higit sa lahat ang tanong na sino o kanino ko ba nakuha ang sakit na ito? sino ba ang nagbigay sa akin nito? Walang sagot sa tanong na ito na kung alam mo sa iyong sarili na marami kang nakasalamuhang tao na kung saan ay panandaliaan kung lumigay sa kanlungan ng iba. Walang sinong tao ang taong tatangi sa makamundong kaligayahan kahit sino gugustohin maranasan or maramdaman ang ganitong kaligayahan, tama? Marami tayong gustong itanong sa ating sarili pero isang tao lang ang makakasagot ng lahat ng ito kundi ikaw, ikaw mismo sa sarili mo. Ang tanging magagawa natin ay tangapin ang kahit anong dumating na pagsubok sa ating buhay. Mamuhay ng malaya at normal tulad ng iba. Ipagpasalamat ang bawat umagang binibigay ng may kapal. Ipagpasalamat ang bawat biyayang natatangap natin mula sa kanya maging ito man ay problema o grasya. Ipagdasal na darating ang araw o panahon na tayo ay gagaling sa tulong niya at naway gabayan niya tayo sa araw-araw ating pamumuhay sa masayang mundong ating ginagawalan.

No comments:

Post a Comment