Thursday, June 28, 2012

Reunited to Black

Hindi masama minsang manisi ng tao pero masakit dahil hindi mo alam kung ikaw talaga ang sinisisi pero ang pinaka masakit ay alam mo sa iyong sarili na ikaw ang tinutukoy ng taong ito. Ang sa atin lang ay bigyan natin siya ng kunting panahon upang makapagisip kung tama ang kanyang ginawa o mali. Makalipas ang tatlong linggo muli kaming nagkita ni Mr.Brown ni sa hinagap hindi ko na isip na etetext pa niya ako. Nagulat ako ng nagtext siya sa akin ay gustong makipagkita para makapagusap. Sumagot ako ng ok lang sa akin. Mahigit tatlong linggo din siyang nanahimik at hindi nagparamdam simula pa ng umuwi ako ng Davao hanggang sa nakabalik na ako ng Manila. Hindi ko rin sa kanya na isang linggo na akung nasa manila. NAgkita kami sa Glorrieta para magusap. Nagmeryenda sa Mcdo habang pinaguusapan ang kanyang sakit na TB at HIV/AIDS. Malakas ang pangangatawanan ni Mr.Brown sadya nga lang na minsan ay haponghapo siya dahil pagod palagi sa trabaho. Sinabi ko kay Ben na magkikita kami ni Mr.Brown at pinayagan naman niya ako at sinabing buti naman at magkikita na kaya kailngan niya ng makakausap. Alam kung magseselos si Ben kahit hindi niya sabihin sa akin nararamdaman ko yun. Si Ben at Mr.Brown ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Kailngan ko silang paraho. Kailangan naming magtulungan ng tatlo. Oo! medyo nakakaasiwa nga lang kasi pareho ko silang naging karelasyon. Pareho ko silang minahal, pareho silang dumaan sa aking mga kamay, at naging parte ng aking buhay. Balik tayo sa usapan namin ni Mr.Brown medyo mahina ang itsura niya ng araw na yun kasi kagagaling lang niya sa hospital at halatang gulat ng nakita ako. Habang naguusap kami wala siyang kurap sa pagtitig sa akin at ngumingiti. Ako naman medyo ilang kasi nga 3 linggo niya akung hindi kinubo. Sa paguusap namin nabangit niya ang tingkol sa kanyang gamutan na kailngan pa daw magextend ng 3-6 months ng gamot sa TB pero kinakatakot niya ang resulta ng CD4 na nasa 90 lang mas mababa ng 4 kaysa sa akin. Lalo akung kinabahan sa kundisyon niya. Alam kung hindi namin lahat ang ginusto ang nangyari sa aming tatlo pero wala na kaming kailangan kundi tangapin ang lahat ng ito. Kinukumbensi ko siyang sumama sa amin ni Ben sa Martes pumunta ng RITM. Ngunit hindi siya makakasama sa amin kasi tatlong beses na siyang nakapagleave. Sabi ko kailangan sa lalong madaling panahon ay makita siya ng doktor sa HIV. Nabanggit din ni Mr.Brown na hindi accommodated ang mga nurse and doktor sa San.Lazaro Hub. Kaya sabi ko pwede ka naman lumipat ng Hub tutulungan ko siya at sasamahan sa Hub ko sa RITM. Para tatlo kaming magtutulong-tulong sa paginom namin ng gamit and yun ang magsisilbing pangalawang tirahan namin. Mababait ang mga tao sa RITM nakasmile silang lahat walang manghuhusga sayo at walang titingin sayo mula ulo hanggang paa at mamatahin ka pa. Natapos ang usapan namin ni Mr.Brown inaya ko muna siyang magpalipas ng oras sa Timezone na palagi ko namang ginagawa. Walang hilig sa mga games si Mr.Brown ganun din naman si Ben kaya pagdinadala ko sila sa ganun pinababayaan lang nila akong maglaro na parang bata. Paano kaya kung dalhin ko silang pareho ha ha ha dalawa ang yaya ko isa mayhawak na bimpo at yung isa naman bottle water. Waaa bata lang joke lang yun!!!  Masarap ang magkaroon ng maraming kaibigan. Masarap na alam mong maraming nagmamahal sayo at magaalaga sayo. Masarap kung lahat magkakasama at nagtutulungan ang bawat isa upang humaba pa ang buhay naming tatlo. Maraming salamat kay Ben at Mr.Brown ang walang humpay na pagmamahal ninyo sa akin ang magsisilbing lakas ko para mabuhay pa ng matagal. Salamat sa muling pagbabalik.

1 comment:

  1. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete