Friday, June 15, 2012

Mission Accomplished

Hay! Sa wakas natapos kung lahat ang dapat kung tapusin sa kumpanyang pinagtatarabahoan ko. Hindi madaling iwanan ang mga mabubuting tao na nakilala ko sa kumpanyang ito sa maikling panahon lamang ngunit sa kabila ng mga yun ay alam kung naiintindihan nila ako. Di naman nila talaga alam kung anong tunay na dahilan kung bakit ako nagresign. Nagumpisa ang araw ko sa masalimuot na daan, tanghali na kasi ng bumangon ako sa higaan may mga dapat akung tapusin ng araw na ito. Kailngan kung punthan si white, kailngan kung tubusin ang sing-sing ko sa pawnshop. Hay! nakakapagod rush hour traffic, busy ang daan at araw pa ng sahod ngayon kaya lahat ng tao ay nagkukumahog na pumila sa bangko para magwithdraw at walagasin nila ang 15 araw nilang pinagtrabahuan sa loob lamang ng ilang oras. Nakakatuwa pero ganun ang buhay nating mga pinoy. Awa ng diyos natapos ko ang kailngan kung gawin kahit na may mga kunting aberya ay nakakapanginit ng ulo na batang tinapunan ako ng tsokolate sa puting puting damit na suot ko kanina. Kaya wala akung magagawa kundi umuwi ako ng bahay at magpalit kaysa naman maglakad ako sa mall ng ganun ang itsura ko. Paguwi ko ng bahay naisip kung magsalang ng labahan sa washing mashine tapos iiwanan ko din after habang si machine ay naglalaba wow! hightech di naman he he he.... pero sa kasamaang palad lalong naginit ang ulo ko ng biglang hindi gumana si machine, ayon basa na ang kumot at comforter ko sa loob ng machine pero hindi siya umiikot. Ayoko ng madadagan pa ang init ng ulo ko naligo na lang ako at umalis ng bahay pasado ala 9 ng gabi at ngayon pa lang magkakalaman ang sikmura ko. Hahay! ayon naman pala ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ko dahil buong maghapon akung walang kain. Pagkatapos kung maghapunan kailngan ko ng pumunta ng opisina para ayusin ang dapat kung ayusin sa kanila bago ako umuwi. Sa awa ng diyos pagkaraan  ng limang oras ng paikotikot sa loob ng opisina natapos ko ang lahat. Ngayon excited na akung umuwi sa lupang akin kinagisnan. So hanggang sa muli guy's

No comments:

Post a Comment