Sa kauna-unahang pagkakataon dito nasubukan kung gaano kahalaga sa akin ang aking pamilya lalo na ang mahal kung ina. Nang araw na nalaman kung HIV+ ako, ang unang taong sumagi sa isip ko ay ang aking ina. Dahil sa dami at milyong tao sa mundo tanging siya lamang ang makakaintindi sa akin. Utang ko ang buhay ko sa kanya. Ang lahat ng nangyari sa akin ay kagustuhan kung gawin maging masama man ito o mabuti. Wala siyang ibang paalala sa akin kundi ang magingat at umiwas sa disgrasya. Ito na ang araw ng paghuhusga na kung saan natanong ko sa aking sarili naging masama ba akung anak para sa akin ina? Mahal ba ako ng aking ina? Tatangapin ba niya ang lahat ng pangyayari sa aking buhay ng walang pagaalinlangan?
Ika - 01 ng Hunyo
Isang araw bago ako ang alis ko pabalik sa siyudad kung saan ako nagtatrabaho. Binisita ko ang aking kapatid sa bulakan at mga pamangkin kabuwanan na rin ng kapatid kung babae. Tahimik ang lahat at nagulat sa pagdating ko sa bahay hindi nila inakalang darating ako na kanina lamang ay kausap ako ng ate ko sa telepono. Kuwentohan at kamustahan normal lang sa pamilya ang ganito ngunit wala pa akung nasasabi sa kapatid ko ang tungkol sa kalagayan ko. Lumipas ang magdamag maagang maaga pa lang ay bumangon na ako sinabihan ko kasi si ate na hindi ako magtatagal dito dahil bukas na ang balik ko. Kailngan kung puntahan ang aking ina at mabisita na rin siya. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat pagkatapos ko magagahan. Nabigo akung sabihin sa ate ko ang sitwasyon ko sa ngayon dahil una inisip ko ang kalagayan niya na kabuwanan niya na at baka kung anong mangyari sa kanya at sa bata kung sakaling sabihin ko. Ayoko sumabay may takdang panahon para masabi ko sa kanya. Pamanaog na ako at binaybay ang daan na kung saan nakahimlay ang aking ina di kalayuan sa aming bahay. Oo! Labindalawang taon ng patay ang aking pinakamamahal na ina at lumaki akung walang ama dahil pinatay ang aking ama ng akuy sanggol pa lamang. Masakit mang sabihin pero ulilalang lubos na ako. Nito lamang enero namatay naman ang aking pangalawang ate dahil sa cancer. Tatlo na sa mahal ko sa buhay ang nawawala sinong susunod ako na ba? Pagdating ko sa puntod ng ina di ko na napigilan pang umiyak habang itinitirik ang kandilang dala ko. Hagolgol ang pumalahaw sa buong sementeryo napatingin pa sa akin ang supoltorero sa di kalayuan. Patawad Mahal Kung Ina, nabigo ako sa lahat ng payo ninyo sa akin, nabigo akung sundin ang lahat ng mga pangaral ninyo sa akin, nabigo akung gampanan ang aking tungkulin. Biglang namatay ang kandila ng walang hangin sa aking paligid tanda na hindj ako nagiisa ngayon sa bawat patak ng aking luha may kung anong presinsiya sa aking paligid ang dagling humaplos sa aking mukha at para bagang may nakayakap sa akin na lalong nagpatindj ng aking iyak. Naramdaman ko ang pagmamahal ng aking ina, naramdaman ko ang kalungkutan sa kanyang puso dahil sa aking kabiguan, naramdman ko ang hinagpis ng kanyang puso sa masamang balitang kanyang narinig. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon naglalagablab ang aking puso sa pagmamahal ng aking ina kahit na siya ay nasa kabilang buhay na. Lumipas ang oras na para lang akung tanga sa aking kinauupuan tanglaw ang puntod ng aking ina. Kalmado na ako, naramdaman ko ang pagtangap sa akin ng aking ina sa kabilang ng pagkakamali ko sa buhay. Hindi pa huli ang lahat may panahon pa para ayusin kahit kunti ang lahat ng pagkakamaling ginawa ko. Salamat at patawad sa lahat mahal kung Ina.
No comments:
Post a Comment