Handa ka na bang malaman ang katotohanan? Handa ka bang tangapin ang masamang balita? Hindi mo alam kung paano ka magrereaact sa isang balita na sa tingin mo ay ikabibigla mo o kung paano din tatangapin ng iba. Nais kung ibahagi ang kuwento ng aking buhay sa kung saan paano ko tinangap ang balitang di ko kailanman inakalang magkakaroon ako o mangyayari pala sa akin ang hindi ko inaasahang balita. Ang katotohanan sa pagtanggap ng masamang balita.
[Ika - 30 ng Abril taong 2012]
Balisa ang aking katawan at pagod sa maghapong byahe sa isang iskarsyon sa isang isla sa pilipinas. Pagdating ko ng bahay hindi ko akalaing magiging ganito ang aking pakiramdam na akoy hapong hapo na hinahabol ko ang aking paghinga. Ang kasama ko sa bahay na si White ay napansin ang aking hindi magandang kondisyon. Inaya niya akung pumunta ng hospital upang magpatingin. Tinangihan ko ang kanyang alok bagkus akoy nahiga at nagpahinga na lamang. Lumipas ang magdamag dakong ikatlo ng umaga nagising ako at uminom ng tubig ngunit sa sandaling naglakad ako ay para na akung babagsak at habol ang aking paghinga na subrang lapit lang naman ng lamisa sa aming higaan na kung saan nandun ang lalagyan ng tubig. Natakot ako at inaya ko na si White na dalhin ako sa hospital. Dagling nataranta si White dahil subrang namumutla na ako at dahil na rin sa pagbalikwas niya ng gising mula sa pagkakahimbing ng tulog. Dinala niya ako sa isang kilalang pribadong hospital sa aming lugar. Inasikaso ako ng ispisyalista na naka duty ng araw na iyon. Inakala ng doctor ay may sakit ako sa puso sa edad ko na 28 ay nagulat sila kung bakit ganun kabilis ang pagtibok ng aking puso at pulso. Nagmadali silang dalhin ako sa cardioroom para suriing mabuti at makita ang dahilan ng aking sakit. Dumating na rin ang aking pribadong doktor at sinuri akung mabuti. Pagkaraan ng ilang oras nailipat na ako sa isang pribadong kuwarto at doon ay nakiusap si Dr. Y na kung pwede niya akung makusap ng prebado. Pinalabas ko si White ng kuwarto at nagusap kaming tatlo si Dr. Y at Dr. X. Nagulat ako sa kanilang mga personal na tanong tungkol sa aking prebadong pamumuhay at humantong siya sa tanong na "nakapag pa test ka na ba ng HIV noon?" sabi ko OO dalawang taon na ang nakaraan at negatibo ang resulta ng test na iyon. "Ok lang ba na magpatest ka ulit para lang sa pansariling prebinsyon. Pumayag ako na magpaHIV test ulit total dalawang taon na rin naman ang nakalipas ng huli akung nakapagpatest. Noong araw din na iyon kinuhaan ako ng dugo para sa test. Sabi ni Dr. X ang dahilan ng aking paghingal o paghirap sa paghinga ay ang aking pneumonia na bumalik dahil nagkaroon din ako ng dengue isang buwan na ang nakalilipas. Binigyan ako ng karampatang gamot at iba pang mga laboratory test para akoy gumaling. Nasambit naman ni Dr. Y na makukuha ang resulta ng HIV test pagkaraan ng limang araw.
[Ika - 04 ng Mayo 2012]
Ito ang ikalimang araw ko sa hospital at ito na rin ang araw na kung saan malalaman nanaman na namin ang resulta ng HIV test. Naghintay kaming dalawa ni White buong araw at ako'y balisa dahil sa totoo lang ako'y kinakabahan sa magiging resulta ng test ngunit sa kabilang dako ng aking isipan alam kung nagingat ako at gumamit ako ng proteksyon sa mga taong nakadaupang palad. ikalima ng hapon pumasok sa amingh silid si Dr.X at Dr.Y sinabi nila sa aking wala pang resulta ang test dahil nagkaproblema daw doon sa dugong kinuha nila sa akin at kailngan ulitin ang test. Medyo uminit ng kunti ang ulo ko ngunit di ko ito pinahalata sa lahat dahil sa nangyari lalong nadagdagan ang aking iisipin sa kung ano ba talaga ang nangyari sa dugo at ang tunay na resulta. Lumabas na ang dalawang doktor. Di ko alam kung paano ko tatangpin ang ganitong klaseng mga dahilan na wala man lang linaw o kasiguraduhan. Muling bumalik si Dr.Y sa aming kuwarto at sinabi niyang kailangan kunan ako ng bagong dugo dahil ipapadala daw nila sa maynila ang sample ng ang aking dugo para dun ipagawa ang test. Diyos ko po ano ba ang nangyayari sa mga doktor na ito bakit hindi na lang nila sabihin ang katotohanan sa akin. Bakit kailangan pa nilang itago ang tunay na resulta ng test. Linggo pinauwi na ako ni Dr.X at kailangan ko na lang magfollow-up check up sa isang infectious doctor para sa kaukulang inpormasyon. Nabigla ako kay Dr.X bakit niya ako nirefer sa isang infectous doctor. Pagkaraan ng tatlong araw bumisita ako kay Dr.F isang ispesyalista sa infection. Pinagusapan namin ang lahat ng personal at prebado kung buhay at doon ako nabigyang linaw sa pagulit ng test. Ayaw palang sabihin ng mga doctor sa akin ang tunay na resulta ng summary test ng HIV ko. Positibo ako sa HIV yun ang tunay na result ayon kay Dr.F pero kailangan ng kompermasyon mula sa isang exklosibong hospital sa Maynila. Noong una ayokong maniwala na positibo ako pero pinaghandaan ko na rin ang ganitong pangyayari. Pinayuhan ako ni Dr.F na magingat sa mga bagay bagay na pwedeng makasama sa aking kalusugan. Sinunod ko ang payo ni Dr.F
[Ika - 18 ng Mayo 2012]
Umaga ng araw na ito dalawang linggo na ang nakalilipas ng nalaman ko na positibo ako sa HIV ngunit kailangan ko pa ring maniguro sa masamang balita na ito. Kaya pumunta ako sa isang prebadong klinika malapit sa hospital. Sa klinika tinanong ako ng nurse kung saan ko gagamitin ang pagpapa HIV test sabi ko sa pansarili ko lang. Isang oras lang ang aking hihintayin upang makuha ang resulta. Kumain na muna ako sa KFC at tenxt ko si White na nagpakuha ulit ako ng HIV test sa isang bribadong klinika na si White ay kasalukuyang nasa opisina. Habang akoy kumakain ang daming pumapasok sa aking isip, mga tanong na hindi ko kayang sagutin, mga sinaryong na ngayon lang nasagi sa aking magulong isipan. Pagkaraan ng isang oras bumalik na ako sa klinika. Pinapasok ako sa isang silid kasama ang doktor na may dala ng resulta. Sa pangalawang beses na nagpaHIV test ako buong laya ko itong tinangap at wala akung kahit anong pagaalinlangan, ni gilit ng luha sa aking mata ay walang lumabas. Oo! positibo talaga ako sabi ng doktor tulad din ng sinabi nila Dr.Y, DR.X at Dr.F ay sample ng aking dugo ay ipapadala sa maynila upang makasiguro sa resulta.
Ang lahat ay may kanya kanyang dahilan. Ang lahat nang yayari sa atin sa pangaraw-araw na pamumuhay ay mga pangyayaring hindi nating inaasahan. Pangyayari na kung saan ang lahat ay may kaukulang tanong at kasugutang unti-unting lumilinaw sa ating sarili. Wala akung kahit sinong tao sa masamang balitang ito na sa hinagap ay di ko akalaing magkakaroon ako. Hindi ko sinisi si White na kahit alam kung nangaling siya sa isang bansang mataas ang bilang ng HIV case. Wala akung pagaalinlangan na tangapin ang katotohanan na ako ngayon kabila na sa milyong milyong may sakit na HIV/AIDS. Hindi ko ito ikinahihiya ngunit kailangan ko pa din itago ang aking sarili para na rin sa kabutihan ng aking pamilya, kaibigan, at ng iba pang mga taong nakakilala sa akin. Ibat iba ang pananaw ng tao sa sakit na ito. Mga taong hindi mo alam kung paano nila tatangapin o pakikitunguhan ang mga tulad natin. Marami sa kanila na hindi katangaptangap ang mga may ganitong uri ng sakit. Ngunit sa kabila ng mga diskreminasyong ito nandyan ang Diyos, Pamilya at malalapit na Kaibigang buong puso kang tinangap at hinding hindi ka nila pababayaan bagkus susuportahan ka pa nila sa paglaban sa sakit na ito. Kaya wala tayong ibang dapat gawin kundi ang tangapin ang masamang balitang ating natangap at gawing lakas ang pagmamahal at suportang ibinibigay sa atin ng ating pamilya at mabubuting kaibigan. Maraming salamat sa inyong pagbasa sa aking blog sanay maging insperasyon or makatulong ako sa inyong lahat.
No comments:
Post a Comment