Tuesday, July 10, 2012
Allergy or Insect Bites
Can anyone recognize this kind of allergy when you taking your ARV? Cause it slowly multiply showing it to my body one by one. Recently after my 14days of trials of ARV I had this in my feet and legs then it shows at my back shoulder and it's not a normal size insect bites but the rest of it showing the same. I read some articles regarding the side effects of Nevirapine its shows different type of allergy not the same as mine. Please help need your opinion and any information that my help. I appreciate your comments about this. Thanks everyone stay strong and fight.
Sunday, July 8, 2012
Ben and I at MOA
Its been a long time since the last time I went to this place. I remember the last time I went here. I met my exGF and we had drinks together. Ok going back Ben and I went to MOA today just to see how MOA's look like now and had fun as well. I waited for an hour for Ben. Malaki ang pinagbago ng lugar na ito marami ng mga bagong establishment and fun rides. Ben says the last time he went here is 2009 wow! thats 4years ago he he he we look like probensiyano in the city cause were taking pictures. Just like the normal people do in mall walking, window shopping, fitting aome clothes na hindi naman bibili ha ha ha. After an hour or two walking around the mall we end up in Harbor View Restaurant and had our dinner. Since we lock of budget di ako nagturo ha ha ha I told him to decide whatever he wants. 30mins after its time for my medicine the time is snoozing both Ben and I phone's. After we eat we walk again up to the end of seaside and taking pictures in fountain area and relax our self the bench path in 10mins its Ben's turn to drink his medicine. Past 10pm already and we decided to go home since that I already sleepy and mild headache while Ben need to sleep early because his going back to work after a week of leave. Thats for now my friends and readers see u in next post good night and stay believe and strong faith.
Friday, July 6, 2012
Bangag sa Droga
Walang masyadong magandang nangyari sa araw na ito pero may mga nagawa akung makakabuti sa aking kalusugan. Bago ko simulan nais kung humihingi ng pasinsiya sa mga taong sumusubaybay ng aking blog at nagpapasalamat na rin ako sa inyong lahat. Kamakailan sinamahan ko si Ben sa RITM upang magpalaboratory atmagpakonsulta sa doktor. Halos natapos naman namin lahat ngunit may isa pang laboratory na kailngan niyang gawin ng miyerkules. Ako naman since na natapos na ang 14days trial ng aking gamot at nagakonsulta na rin ako. Mapalad ako na walang kahit anong ipikto ng gamot akin tulad ng pangangati, lagnat o ano pa man kaya ito na ang simula ng tuloy tuloy kung gamutan. Sinabihan ako ng doktor na doblehin ang paginom ng Niverapine na ayon sa ilan pagkaraan pa ng isang buwan lumalabas ng side effect nito tulad ng isang kaso ng nakilala namin sa RITM din. Nabago ko na rin ang oras ng paginom ng aking gamot na mas maaga ng 1 oras kay Ben. Sa ngayon wala pa naman akung kahit anong nararamdaman minsan lang dahil na rin sa katigasan ng aking ulo sa baba este sa taas pala he he he. May isa lang akung napansin sa side effect ng tatlong gamot na iniinom ko sa umaga ng sabay-sabay ang Niverapine, Combi at Cotri pagkaraan ng isa o dalawang oras bangag na ako parang antok na antok ako so kaya wala akung masyadong nagagawa maghapon dahil maghapon na din akung tulog. He he he so paano ito muna sa ngayon bukas may ikukuwento ako ulit.
Stay healthy, Stay young, Leave, Wild and Free
Stay healthy, Stay young, Leave, Wild and Free
Sunday, July 1, 2012
Me and Ben at RITM
Ano ano ba ang magaganap ng araw na ito sa amin? hmm... malamang marami kasi ito ang unang araw ni Ben sa RITM. Ngayon araw sisimulan ang lahat ng laboratory procedure na ipapagawa ng ARG (Aids Research Group). Ngayon din naman malalaman ang resulta ng kanyang CD4 at kung iinum na rin siya ng ARV (Anti-Retroviral Medicine). Medyo madami na ring tao ang nagpapacheck up ng dumating kami at madami na rin ang nagpaparefill ng meds.
Thursday, June 28, 2012
Reunited to Black
Hindi masama minsang manisi ng tao pero masakit dahil hindi mo alam kung ikaw talaga ang sinisisi pero ang pinaka masakit ay alam mo sa iyong sarili na ikaw ang tinutukoy ng taong ito. Ang sa atin lang ay bigyan natin siya ng kunting panahon upang makapagisip kung tama ang kanyang ginawa o mali. Makalipas ang tatlong linggo muli kaming nagkita ni Mr.Brown ni sa hinagap hindi ko na isip na etetext pa niya ako. Nagulat ako ng nagtext siya sa akin ay gustong makipagkita para makapagusap. Sumagot ako ng ok lang sa akin. Mahigit tatlong linggo din siyang nanahimik at hindi nagparamdam simula pa ng umuwi ako ng Davao hanggang sa nakabalik na ako ng Manila. Hindi ko rin sa kanya na isang linggo na akung nasa manila. NAgkita kami sa Glorrieta para magusap. Nagmeryenda sa Mcdo habang pinaguusapan ang kanyang sakit na TB at HIV/AIDS. Malakas ang pangangatawanan ni Mr.Brown sadya nga lang na minsan ay haponghapo siya dahil pagod palagi sa trabaho. Sinabi ko kay Ben na magkikita kami ni Mr.Brown at pinayagan naman niya ako at sinabing buti naman at magkikita na kaya kailngan niya ng makakausap. Alam kung magseselos si Ben kahit hindi niya sabihin sa akin nararamdaman ko yun. Si Ben at Mr.Brown ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Kailngan ko silang paraho. Kailangan naming magtulungan ng tatlo. Oo! medyo nakakaasiwa nga lang kasi pareho ko silang naging karelasyon. Pareho ko silang minahal, pareho silang dumaan sa aking mga kamay, at naging parte ng aking buhay. Balik tayo sa usapan namin ni Mr.Brown medyo mahina ang itsura niya ng araw na yun kasi kagagaling lang niya sa hospital at halatang gulat ng nakita ako. Habang naguusap kami wala siyang kurap sa pagtitig sa akin at ngumingiti. Ako naman medyo ilang kasi nga 3 linggo niya akung hindi kinubo. Sa paguusap namin nabangit niya ang tingkol sa kanyang gamutan na kailngan pa daw magextend ng 3-6 months ng gamot sa TB pero kinakatakot niya ang resulta ng CD4 na nasa 90 lang mas mababa ng 4 kaysa sa akin. Lalo akung kinabahan sa kundisyon niya. Alam kung hindi namin lahat ang ginusto ang nangyari sa aming tatlo pero wala na kaming kailangan kundi tangapin ang lahat ng ito. Kinukumbensi ko siyang sumama sa amin ni Ben sa Martes pumunta ng RITM. Ngunit hindi siya makakasama sa amin kasi tatlong beses na siyang nakapagleave. Sabi ko kailangan sa lalong madaling panahon ay makita siya ng doktor sa HIV. Nabanggit din ni Mr.Brown na hindi accommodated ang mga nurse and doktor sa San.Lazaro Hub. Kaya sabi ko pwede ka naman lumipat ng Hub tutulungan ko siya at sasamahan sa Hub ko sa RITM. Para tatlo kaming magtutulong-tulong sa paginom namin ng gamit and yun ang magsisilbing pangalawang tirahan namin. Mababait ang mga tao sa RITM nakasmile silang lahat walang manghuhusga sayo at walang titingin sayo mula ulo hanggang paa at mamatahin ka pa. Natapos ang usapan namin ni Mr.Brown inaya ko muna siyang magpalipas ng oras sa Timezone na palagi ko namang ginagawa. Walang hilig sa mga games si Mr.Brown ganun din naman si Ben kaya pagdinadala ko sila sa ganun pinababayaan lang nila akong maglaro na parang bata. Paano kaya kung dalhin ko silang pareho ha ha ha dalawa ang yaya ko isa mayhawak na bimpo at yung isa naman bottle water. Waaa bata lang joke lang yun!!! Masarap ang magkaroon ng maraming kaibigan. Masarap na alam mong maraming nagmamahal sayo at magaalaga sayo. Masarap kung lahat magkakasama at nagtutulungan ang bawat isa upang humaba pa ang buhay naming tatlo. Maraming salamat kay Ben at Mr.Brown ang walang humpay na pagmamahal ninyo sa akin ang magsisilbing lakas ko para mabuhay pa ng matagal. Salamat sa muling pagbabalik.
Tuesday, June 26, 2012
Ben is coming in the City
Sa wakas nakuha na ni Ben and resulta ng kanyang western blot at ngayon darating siya here sa manila para ipagawa ang CD4. I'm happy his coming home and were planning to go to MOA first before we attened the white party celebration in Malate this coming saturday. Pero hindi yun ang sinadya niya dito mas mahalaga ang dahilan ng pagpunta niya ng manila. Sasamhan ko siya sa Miyerkules sa RITM upang doon magpatest at magsilbing pangalawang tahanan namin. Sana maging maayos ang lahat hindi madali ang paginom ng ARV pag itoy nasimulan na maari itong magkaroon ng reaction sa kanyang katawan. Pero sana mataas ang magiging result ng CD4 ni Ben para naman kahit papaano ay hindi siya mamoreblema ng paginom ng gamot. Kung sakali daw na kailangan na niyang magtake ng meds hindi na siya babalik sa Davao dito na lang daw siya sa Manila para sabay kaming magtreatment at sa ganun ay kasama din naman niya ang pamilya niya na magaalaga sa kanya. Gusto ko man na ako din ang magalaga sa kanya tulad ng pagaalaga niya sa akin noong nasa hospital ako, pero nahihiya akung kasama ang kanyang pamilya sa bahay siguro ang mangyayari ay bibisita bisita ako or magkikita na lang kami somewhere. I want to make sure that both of us taking our meds on time. Kahit na minsan late na ako umiinom ha ha ha. Looking forward to see you Ben... I'm waiting :)
Monday, June 25, 2012
Kaysarap Mabuhay
Kaaysarap mabuhay sa mundong ito kahit na punong puno ng problema at pagsubok ang buhay. Kaysarap mabuhay kung sa pakiramdam mong maraming nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo. Kaysarap mabuhay kung ang lahat ay iniisip ka at kinakamusta ka ng mga taong malalapit sa iyo. Kaysarap mabuhay dahil nakikita mo ang kagandahan ng mundo. Ang mundong ginawa ng poong maykapal para sa tao. Ngunit nakakalungkot mang isipin darating ang panahong lilisanin natin ang mundong ating tinuturing na unang tahana. Darating ang panahon ating iiwan ang ating mga mahal sa buhay. Ang mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sa atin. Balang araw magiging magisa na lang tayo. Yun ay kung tayoy kanila ng iiwan. Sa kabila ng lahat ng kalungkutan at sayang ating nararansan manatili tayong matatag, masaya, lumalaban, at gampanan ang mga tungkulin natin bilang tao, kapamilya, kaibigan at kapuso.
Hindi pa huli ang lahat. Ito ang pangalawang buhay na ibinigay sa atin ng diyos. Ito ang kanyang pagsubok para sa atin. Ito ang kanyang paraan upang makita at maitama natin ang lahat ng pagkakamaling ating nagawa. Binigyan tayo ng pangalawang pagkakataon upang huming ng tawad sa kung anong pagkukulang natin sa kanya. Kahit na maysakit tayo isipin natin isa lang siyang sipon na kailangan lang ng mahabang medikasyon para mawala. Magpapatalo pa ba tayo sa lahat ng ating pinagdaanan sa buhay.
Kayong mga positibo na sa HIV/AIDS wag kayo mawalan ng pagasa. Nandito kaming lahat upang inyong maging lakas at gabay. Gawin ninyo kaming insperasyon or mapagsasabihan ng inyong mga problema o kung hindi pa ninyo tanggap sa sarili na kayo'y may ganitong uri ng sakit. Hindi pa huli ang lahat. Ang buhay man ay may hangganan pero ang pagasa ay mananatiling nandyan naghihintay lang na silay iyong gamitin upang maging lakas at insperasyong mabuhay.
Ako si Red at ito ang aking kuwento. Ito ang pangalawang buhay na ibinigay sa akin. Buong puso ko itong tinangap ng walang pagaalinlangan at sinisising tao. Bagkus nagpapapsalamat ako sa diyos at binigyan pa niya ako ng pagkakataong baguhin, itama ang lahat ng aking pagkakamali.
Friday, June 22, 2012
Follow the Procedure
Ang ilang mahahalagang proseso at paraan ng mga gagawin sa RITM. Paalala sa mga baguhang kumpirmado na positibo sa HIV dapat ninyong ilaan ang buong araw sa RITM para sa mga kaukulang proseso. Kung kayoy may mga importanteng lakad o pupuntahan. Mas mahalaga ang iyong kalusugan at buhay kaysa sa mga bagay na pwedeng ipagpaliban.
1. Sabihin sa officer na ikay magpapatest or ipapagawa ang CD4
2. Isulat ang iyong Alyas(di tunay na pangalan), numero ng telepono or cellphone, at lagda
3. May kapirasong papel na ibibigay sayo at ganun din ang iyong isusulat kapareho ng #2
4. Iaabot mo ang resulta ng Western Blot kung meron ng kompermasyon na ikaw ay positibo sa HIV/AIDS
5. Magbayad sa kahera ng 120.00 para sa orange card (ito ay magsisilbing registration card mo sa hub)
6. Pagkatapos magbayd pumunta sa isang window kalapit ng casher window. Sabihin orange card para sa ARG. may ilang katanungan kailngang sagutin.
7. Bumalik sa ARG room
8. Ibigay ang orange card sa officer at doon may ibibigay na ilang papeles para sagutan. Tungkol ito sa personal mong impormasyon at hindi ka dito gagamit ng alyas or code.
9. Ibalik sa officer pagkatapos sagutan at pirmahan ang kaukulang dokumento.
10. Maghintay sa isang pagpupulong tungkol sa Philhealth.
Ang pagsusumite ng Philhealth ay may dalawang paraan ito ay depende sa iyong status. Kung ikaw ay employed at self-employed. May kaukulang qualipikasyon ang philhealth bago mo ito magamit.
Qualification:
1. Dapat hindi baba sa 6 na buwan ang contribution sa Philhealth
2. Dapat mababa sa 350 ng bilang ng CD4
3. Ikaw ay nagsisimula ng uminom ng mga kaukulang gamot tulad ng ARV para sa iyong HIV/AIDS.
Proseso ng Employed
1. Kailngan magsumite ng ng Mb4 form at CF1 form ng philhealth
2. Humingi ng sertipiko ng contribution sa Philhealth kung sakaling ikaw ay lumipat ng ibang kumpanya.
(Hal.: itong taon ay nagtrabaho ka sa company X pagkaraan ng 5 buwan ay lumipat ka ng company Y
dapat humingi ka ng kaukulang dokumento or sertipikasyon na ang contributin mo sa PhilHealth ay up to
date mula sa company X)
3. Ang Mb4 at CF1 form ay dapat na may pirma ng employer o ng kumpanyang pinagtatrabahuan mo.
4. Isumita ang lahat ng dokumento sa ARG office.
Proseso ng Self-Employed
1. Isumite ang CF1 form
2. Resibo ng pinagbayaran sa PhilHealth
Ang mga kaukulang proseso ay sasabihin ng officer. Kung kayoy may mga katanungan tungkol sa mga nasabing proseso wag mahihiyang magtanong. Pagkatapos ng orientation sa PhilHealth kayo ay tatawagin ng nurse o officer para sa laboratory request.
1. Hintayin ang pangalan na tawagin ng officer or nurse (tandaan ang inyong alyas na ibinigay dahil tatawagin kayo sa inyong alyas hindi sa tunay na pangalan)
2. Kakausapin ka ng nurse tungkol sa mga ibang laboratoryo na iyong isinagawa 6 na buwan ang nakararaan bago ka natuklasang positibo ka na sa HIV/AIDS .
3. May laboratoryong request na ipapagawa at ito ang CD4, Urinalysis, Feces collection, CBC, X-ray at etc... (paumanhin hindi ko na matandaan ang dalawa). May ibibigay din iniksyon (injection) na ibibigays sa botika para lagyan ng gamot para sa skin test.
4. Pumunta sa laboratoryo katabi ng botika sa kanan kasunod ng x-ray room
5. Ibigay ang mga request sa lab-technician at hintaying tawagin ang inyong pangalan
6. Pagkatapos ng lahat ng laboratoryo bumalik sa ARG office
Sasabihin sa iyo ng officer na kailngan mong bumalik sa hapon mga bandang 2:30 - 3:00 hapon para sa resulta ng CD4. Yun ang unang ibibigay ng laboratoryo dahil doon magbabase ang doktor kung ikaw ay magsisimula ng magtake ng gamot na ARV.
Ang lahat ay may kaukulang proseso at mga dapat sundin. Ganun din ang buhay ng tao. May mga proseso at paraan tayong dapat nating sundin at gampanan sa tamang oras at panahon. Mga tunguling hindi natin pwedeng baliwalain. Ngayon tayo ay positibo sa sakit na ito. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan tayo mabubuhay ngunit isa lang ang dapat nating tandaan. Panatilihin nating malusog ang ating pangangatawan, uminom ng gamot sa tamang oras, kumain ng wastong pagkain at ehersisyo. Sa mga prosesong ito hahaba pa ang mga buhay natin kahit na sa loob ng katawan natin ay may unti-unting pumapatay.
Wednesday, June 20, 2012
Treatment Hub (RITM)
Kahapon nagpunta na ako ng RITM na kung saan nandun ang treatment hub ng mga HiV+. Productive ang araw na ito sa akin bakit? Pagdating ko ng RITM medyo madami ng tao. Mabait si Tin(alyas) tinanong kaagad niya sa akin kung anong ipapagawa ko. Masaya at kalmado lang ang lahat. Alam ng lahat ng tao ang purpose ng mga pumupunta dun. Sabi ko magpapakuha ako ng CD4 pinasulat ako sa isang log book na ang ilalagay kung pangalan ay alyas lang o hindi tunay na pangalan, contact number at lagda.
Si Best ang registration and philhealth facilitor mabait siya at palangiti sa lahat medyo masungit ng kunti kasi nga makukulit din kami ha ha ha. Pagkatapos ng magregister. Pinapunta kaming lahat sa casher para bumili nh "orange card" yun ang magsisilbinh record card namin sa hub. Medyo madaldal ako ng araw na yun at hindu ako masungit tulad ng normal kung ugali pagnasa mataong lugar ako. Nakilala ko si MK isa rin siya sa mga positibo sa HIV na last month lang din niya nalaman. Marami pa akung nakilala pero medyo hindi ko na matandaan ang iba. Sa loob ng hub naghihintay kami mabigyan ng laboratory request. Mahigit sa 14 ata kaming bago sa Hub ops... madami na talaga ang bilang natin unti-unti ng nakukuha ang bilang ng mga positibo sa HIV. Makailang minutong paghihintay nagpunta na kaming lahat sa laboratoryo para ipagawa ang lahat ng "base line" laboratory procedure. Tahimik ang lahat nagkukuwentohan ang ilan yun iba tahimik lang yung iba naman blanko ang mukha na para bagang nagtatanong sa sarili na "anong ginagawa ko sa lugar na ito?". Yehey! Ako na ang nakasalang sa electric chair joke lanh he he he hindi sa lab chair na kung saan apat na test tube ng dugo ang kukunin sa akon OMG ang dami. Keri lang tapos yung ibang lab.technician natuwa sa toy ko na nakasabit sa bag ha ha ha. After ng lahat ng laboratory balik kami sa ARG office para naman sa orientation ng philhealth host by Best. He he he everything was clearly discuss. May isang volunteer patience dun na councilor ng hub na kinuha ang attention namin para sa tatlong mahalagang commitment.
1. Huwag hayaang makahawa ng iba
2. Gumamit nh proteksyon pangkaligtasan kung makikipagtalik at hindi mapigilan ang kalandian (joke lang) :p
3. Mamuhay ng malusog at masaya at huwag kakalimutang inumin ang mga gamot.
Yan ang tatlong mahahalagang commitment ng lahat sa Hub na positibo sa HIV. 2:30 pa ng hapon bago makuha ang result ng lahat nang nagpatest para sa CD4. Ilang oras din akung maghihintay sinabi din kasi ni Best na ang buong maghapon na yun ay nakalaan lang para sa lahat ng laboratory, orientation, counseling, and consultation.
Dumating na ang pinakahihintay ng lahat ang resulta ng CD4 bigla akung kinabahan ng dumating ang resulta pangapat ako sa mga tatawagin. Its my turn madaming tinanong sa akin ang doktor sa mga personal activities ko in and out of the country. Kung ilan ba ang nakasex ko safe or unsafe. OMG di ko na mabilang ha ha ha... Di man direktang sinabi sa akin ng doktor pero mukhang hindi maganda ang result nb cd4 ko 94 lang siya out of the required na 350 na di ka magtake ng ARV. Expected ko na mababa yun kasi ilang beses na rin akung nagkasakit in the past few months. So ito na ang simila ng paglalakbay ko sa mundo natin. Ito na ang simula ng pagtulong ko sa aking sarili para mabuhay ng matagal. Matinding disiplina sa sarili ang kinakailangan ko para sa gamotang buong buhay ko ng gagawin.
Friday, June 15, 2012
Mission Accomplished
Hay! Sa wakas natapos kung lahat ang dapat kung tapusin sa kumpanyang pinagtatarabahoan ko. Hindi madaling iwanan ang mga mabubuting tao na nakilala ko sa kumpanyang ito sa maikling panahon lamang ngunit sa kabila ng mga yun ay alam kung naiintindihan nila ako. Di naman nila talaga alam kung anong tunay na dahilan kung bakit ako nagresign. Nagumpisa ang araw ko sa masalimuot na daan, tanghali na kasi ng bumangon ako sa higaan may mga dapat akung tapusin ng araw na ito. Kailngan kung punthan si white, kailngan kung tubusin ang sing-sing ko sa pawnshop. Hay! nakakapagod rush hour traffic, busy ang daan at araw pa ng sahod ngayon kaya lahat ng tao ay nagkukumahog na pumila sa bangko para magwithdraw at walagasin nila ang 15 araw nilang pinagtrabahuan sa loob lamang ng ilang oras. Nakakatuwa pero ganun ang buhay nating mga pinoy. Awa ng diyos natapos ko ang kailngan kung gawin kahit na may mga kunting aberya ay nakakapanginit ng ulo na batang tinapunan ako ng tsokolate sa puting puting damit na suot ko kanina. Kaya wala akung magagawa kundi umuwi ako ng bahay at magpalit kaysa naman maglakad ako sa mall ng ganun ang itsura ko. Paguwi ko ng bahay naisip kung magsalang ng labahan sa washing mashine tapos iiwanan ko din after habang si machine ay naglalaba wow! hightech di naman he he he.... pero sa kasamaang palad lalong naginit ang ulo ko ng biglang hindi gumana si machine, ayon basa na ang kumot at comforter ko sa loob ng machine pero hindi siya umiikot. Ayoko ng madadagan pa ang init ng ulo ko naligo na lang ako at umalis ng bahay pasado ala 9 ng gabi at ngayon pa lang magkakalaman ang sikmura ko. Hahay! ayon naman pala ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ko dahil buong maghapon akung walang kain. Pagkatapos kung maghapunan kailngan ko ng pumunta ng opisina para ayusin ang dapat kung ayusin sa kanila bago ako umuwi. Sa awa ng diyos pagkaraan ng limang oras ng paikotikot sa loob ng opisina natapos ko ang lahat. Ngayon excited na akung umuwi sa lupang akin kinagisnan. So hanggang sa muli guy's
Thursday, June 14, 2012
Mahal Kung Kaibigan
Paano ko ba sasabihin sa iyo ang nararamdaman ko? Oo! hindi ko talaga alam kahit nakakatuwang isipin ganito na talaga kita pinakitunguhan. Laging pasigaw or minsan pabalang ako sa mga sagot sa mga tanong mo sa akin. Pasinsiya na kung ganito ako sayo hindi katulad ng pakikitungo ko sa ibang mga EX's ko. Pasinsiya na kung minsan or madalas ikaw ang napagbubuntungan ko ng galit or init ng ulo. Pero sa kabila ng ganito kung paguugali or ipinapakita ko sayo, mahal din naman kita tulad din ng pagmamahal ko sa kanila. Kung paano ko sila minahal ganun din ang sayo magkaiba nga lang ng paraan at pakikitungo. alam mo ba kung bakit? Kasi kakaiba ka sa kanilang lahat. Mas mahaba ang pasinsiya mo pagdating sa akin. Hindi mo ako pinapabayaan kahit na minsan masama na ang ugali ko sayo, nandyan ka pa din para damayan ako or pakalmahin ako. Oo! selfish ako inaamin ko naman yun eh di ko na maitatangi dahil ganito na talaga ako.
Gusto ko lang malaman ng lahat na kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. Ang mga pangarap mo para sa akin at para sa pamilya ko. Ang kagustuhan mong itama ko ang lahat ng pagkakamali magpasahanggang ngayon. White hindi matatawaran ang pagmamahal at pagaalaga mo sa akin. Hindi kayang tumbasan ng pera o ginto ang wagas na pagmamahal mo sa akin. Hindi ko kayang suklian ang lahat ng ibinibigay mo sa akin. Pero sana sa kabila ng lahat ng iyong ginagawa para sa akin hindi ka magsawa. Hindi ko man kayang ibigay ang 100% ng pagmamahal tulad ng binigay ko sa iba. Sana'y maging masaya ka na kapiling ako. Sana kahit man lang sa bagay na yun ay mapasaya kita. Sana kahit sandali lang tayo nagsama sa siyudad na ito ay magsisilbing alala ang lahat sa atin. Ngunit di pa naman huli ang lahat aalis ako dahil kinakailngan dahil masyado ng matagal simula ng nakuha ko ang resulta ng test na positibo ako sa HIV. Kailngan isagawa na ang mga test sa lalong madaling panahon. Sa aking paglisan alam kung ikay mangungulila sa akin ngunit huwag isiping nagiisa ka dahil maghihintay naman ako sa pagdating mo sa manila at doon magsisimulang muling mabuhay ng tahimik at lalaban sa kahit anong pagsubok na darating sa ating buhay. Haharapin natin ang lahat ng walang pagaalinlangan. Haharapin nating dalawa ang sakit na ito susuportahan ang bawat isa. /div>
Sa muling pagkikita Mahal kung Kaibigan....
Pagod na Ako...
Buong buhay ko lagi na lang akung lumalaban sa mga pagsubok na dumarating sa aking buhay. Yun lang ang tanging paraan para mabuhay ako at saganun magampanan ko ang mga tungkulin ko sa aking pamilya at sa lipunan. Ngunit hanggang kailan ako ganito? hanggang kailan ako lalaban? Ngayon may panibagong dagok ang dumating sa aking buhay na para bagang sinakloban na ako ng langit at lupa. Hindi ko alam kung hanggang saan kakayanin ng katawan ko ang lumaban sa mga ganitong klase ng pagsubok. Marami ng pagbabagong dumating sa aking buhay, marami ng pagsubok ang aking naranasan at nalampasan, dugo't pawis na ang aking pinuhunan at para lang mabuhay. Ngayon hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang labanan ang sakit kung ito na unti-unting pumapatay sa akin. Diyos ko tulungan mo po ako wag po ninyo sana akung pababayaan kahit na alam kung alam ninyo na Pagod na Ako....
Wednesday, June 13, 2012
HIV Is it True or a Lie?
What about the Good news?
I honestly say that this information is a LIE! Why because most of us knows about HIV and the numbers of data about the HIV+ was huge. So don't think about not getting a test. Think of the benefits not just for your self but also for your family and the rest of us.
.......
HIV does not exist! The global fraud that HIV is, manufactured by the pharmaceutical industry all for the sake of making profits at the expense of many lives. Here are just few points:
HIV does not exist, even admitted by the scientist who originally "discovered" it. AIDS does exist. Immune deficiency can be acquired by poor environmental conditions and lifestyle choices such as doing drugs, having many unprotected sexual partners, poor diet, lack of clean water for basic hydration and hygiene (common in Africa), etc.. Also not that immune deficiency can be cured by correcting those issues.
The HIV diagnosis is determined via PCR (Polymerase Chain Reaction) test. That is flawed technology that basically magnifies a sample zillions of times and when something shows up, if the person fits the correct profile (black, gay, poor, etc..) then they are labeled as HIV positive. However, if the same results occurs for a white well-educated wealthy woman, the diagnosis is HIV negative. Even the package insert for the tests pretty much states that it its not definitive at much states that it is not definitive at all. In fact, a positive result is obtained if the person is pregnant, used as aspirin in the previous 48 hours, sneezed lately, etc.. The test is completely without merit.
People who are labeled HIV positive and who go on the AZT or other drug cocktails usually get very ill and die within a few years. However, people who reject those drugs do just fine as long as they clean up their health issues.
If HIV really existed, infected persons and found that when 75 couples had unprotected sex for a year, and in which one partner was diagnose as HIV positive, the number of cases where the HIV negative partner became infected was ZERO.
There is a research who exposes these details and much, much more about the fake HIV agenda. His name is Liam Scheff, and you can listen to him in many episodes of The Robert Scott Bell health internet radio show at http://www.naturalnewsradio.com/Archive-RobertScottBell.asp Listen to the February 01, 2012 show where they cover a lot of this fraud. Also more is covered on February 14 and March 0, and often throughout those archives. And more is detailed at Liam's website at http://liamcheff.com/the-hiv-aids-investigation/
Tuesday, June 12, 2012
Matoto sa Pagkakamali
Maraming inpormasyon sa Pilipinas ang hindi nabibigyan ng atensyon upang makasiyasat ng bagong inpormasyon. Marami sa ating karatig bansa ang halos kalahati ng papulasyon nila ay positibo sa HIV. Ngunit sa kabila ng mga datos ng inpormasyon hindi ito pinagsasawalang bahala ng gobyerno. Bagkus itoy kanilang pinagtotoonan ng pansin upang hindi maapektohan ang iba pang tao sa kanila kumunidad. Hanggang ngayon kulang ang datos ng inpormasyon sa Pilipinas. Sa anong kadahilanan hindi kasi tayo natoto sa ating pagkakamali. Hindi natin binigyang halaga ang kailngang pagtounan ng pansin hindi lang ito tungkol sa kahirapan sa pilipinas pati na rin ang dumaraming bilang ng HIV+ sa bansa. Ang ating gobyerno ay walang sapat na edukasyong pwedeng ibahagi sa isang kumunidad upang kanila itong malaman at maintindihan. Disiplina ang wala sa ating mga pinoy dahil sumasabay lang tayo palagi sa agos ng buhay ang normal na takbo ng ating pamumuhay ay hindi magbabago kung walang mangyayari sa ating mabuti o masama. Sana sa mga susunod pang henerasyon ng ating buhay ay mabawasan ang bilang ng tao na positibo sa sakit na HIV dahil sa silay nalinawan at nagkaroon ng kaalaman tungkol sa sakit na ito at kung paano natin ito maiiwasan. Matoto tayo sa ating mga Pagkakamali para na rin sa atring sarili at sa ibang tao.
Monday, June 11, 2012
Huwag Mo Akung Sisihin
Maraming pagkakataon ang dumating sa ating buhay upang tayo ay maging masaya at mamuhay ng mapayapa. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana hindi natin alam kung kailan niya babaguhin ang gulong ng takbo ng buhay natin. Pero sa kabila ng pabago bagong takbo ng buhay natin may isa tayong bagay na dapat gawin ang paghandaan ang lahat ng pagbabagong iyon. Tulad ng nangyari sa akin ngayon hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari sa aking buhay na ako ay magiging positibo sa HIV. Tingangap ko ang labang ito ng walang pagaalinlangan. Ang bagong hamon sa aking buhay na kung saan hanggang kailan ako lalaban sa sakit na ito para mabuhay ng matagal. Tinangap ko ang pagkakamaling nagawa ko at wala akung sinisisi na tao dahil wala naman talaga kundi ang sarili ko. Walang mangyayari sa akin kung sakaling sisihin ko man ang ibang tao, mawawala ba ang virus sa katawan ko kung sakaling sisihin ko siya? Sana wala na lang sisihan bagkus magtulungan tayong labanan ang sakit na ito para mabuhay tayo ng matagal sa mundong ito hindi lang para sa ating sarili kundi para na rin sa ating mga mahal sa buhay. Wala na tayong magagawa pa kundi ang tangapin nang buong puso ang pagkakamaling nagawa. Magpasalamat sa diyos sa lahat ng biyayang binibigay niya sa atin mga pagsubok na hindi natin alam kung masama or mabuti para atin. Ihingi ng tawad ang lahat ng pagkakamali at ayusin ang pwede pang ayusin para manatiling matatag, normal at mapayapa ang buhay natin. Para bago man tayo mawala sa mundong ito may nagawa parin tayong mabuti para sa ating pamilya at sa ibang tao.
Patawad Aking Mahal na Ina
Sa kauna-unahang pagkakataon dito nasubukan kung gaano kahalaga sa akin ang aking pamilya lalo na ang mahal kung ina. Nang araw na nalaman kung HIV+ ako, ang unang taong sumagi sa isip ko ay ang aking ina. Dahil sa dami at milyong tao sa mundo tanging siya lamang ang makakaintindi sa akin. Utang ko ang buhay ko sa kanya. Ang lahat ng nangyari sa akin ay kagustuhan kung gawin maging masama man ito o mabuti. Wala siyang ibang paalala sa akin kundi ang magingat at umiwas sa disgrasya. Ito na ang araw ng paghuhusga na kung saan natanong ko sa aking sarili naging masama ba akung anak para sa akin ina? Mahal ba ako ng aking ina? Tatangapin ba niya ang lahat ng pangyayari sa aking buhay ng walang pagaalinlangan?
Ika - 01 ng Hunyo
Isang araw bago ako ang alis ko pabalik sa siyudad kung saan ako nagtatrabaho. Binisita ko ang aking kapatid sa bulakan at mga pamangkin kabuwanan na rin ng kapatid kung babae. Tahimik ang lahat at nagulat sa pagdating ko sa bahay hindi nila inakalang darating ako na kanina lamang ay kausap ako ng ate ko sa telepono. Kuwentohan at kamustahan normal lang sa pamilya ang ganito ngunit wala pa akung nasasabi sa kapatid ko ang tungkol sa kalagayan ko. Lumipas ang magdamag maagang maaga pa lang ay bumangon na ako sinabihan ko kasi si ate na hindi ako magtatagal dito dahil bukas na ang balik ko. Kailngan kung puntahan ang aking ina at mabisita na rin siya. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat pagkatapos ko magagahan. Nabigo akung sabihin sa ate ko ang sitwasyon ko sa ngayon dahil una inisip ko ang kalagayan niya na kabuwanan niya na at baka kung anong mangyari sa kanya at sa bata kung sakaling sabihin ko. Ayoko sumabay may takdang panahon para masabi ko sa kanya. Pamanaog na ako at binaybay ang daan na kung saan nakahimlay ang aking ina di kalayuan sa aming bahay. Oo! Labindalawang taon ng patay ang aking pinakamamahal na ina at lumaki akung walang ama dahil pinatay ang aking ama ng akuy sanggol pa lamang. Masakit mang sabihin pero ulilalang lubos na ako. Nito lamang enero namatay naman ang aking pangalawang ate dahil sa cancer. Tatlo na sa mahal ko sa buhay ang nawawala sinong susunod ako na ba? Pagdating ko sa puntod ng ina di ko na napigilan pang umiyak habang itinitirik ang kandilang dala ko. Hagolgol ang pumalahaw sa buong sementeryo napatingin pa sa akin ang supoltorero sa di kalayuan. Patawad Mahal Kung Ina, nabigo ako sa lahat ng payo ninyo sa akin, nabigo akung sundin ang lahat ng mga pangaral ninyo sa akin, nabigo akung gampanan ang aking tungkulin. Biglang namatay ang kandila ng walang hangin sa aking paligid tanda na hindj ako nagiisa ngayon sa bawat patak ng aking luha may kung anong presinsiya sa aking paligid ang dagling humaplos sa aking mukha at para bagang may nakayakap sa akin na lalong nagpatindj ng aking iyak. Naramdaman ko ang pagmamahal ng aking ina, naramdaman ko ang kalungkutan sa kanyang puso dahil sa aking kabiguan, naramdman ko ang hinagpis ng kanyang puso sa masamang balitang kanyang narinig. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon naglalagablab ang aking puso sa pagmamahal ng aking ina kahit na siya ay nasa kabilang buhay na. Lumipas ang oras na para lang akung tanga sa aking kinauupuan tanglaw ang puntod ng aking ina. Kalmado na ako, naramdaman ko ang pagtangap sa akin ng aking ina sa kabilang ng pagkakamali ko sa buhay. Hindi pa huli ang lahat may panahon pa para ayusin kahit kunti ang lahat ng pagkakamaling ginawa ko. Salamat at patawad sa lahat mahal kung Ina.
Friday, June 8, 2012
Lungkot at Saya
Ang kaligayahan ng tao ay nararamdaman sa maraming paraan. Iba't ibang uri ng kaligayahan halimbawa na lang ng kaligayahan sa pamilya, kaibigan, materyal na bagay, kapaligiran, hayop, halaman, puno, bulaklak at marami pang iba. Ngunit hindi lahat ay masaya dahil ang mundo ay hindi magiging balanse sa kahit anong meron ito kung lahat ay puro saya. Nandyan ang dalamhati, lungkot, pagsisi, pagaalala, at pangungulila. Ang lahat ng ito ay nararamdaman ng taong may HIV tulad ko. Alam kung hindi pa sigurado ang ikatlong test na nagawa sa akin ngunit tinangap ko na ang katotohanang meron ako. 2-4 na linggo ako dapat maghintay ng resulta ng huling test sa akin para makumperma na positibo talaga ako sa HIV and Western Blot. Ano nga ba ang Western Blot?
Ang Western Blot ay ang pagsusuri sa dugo ng isang taong positibo sa HIV. Dito nalalaman ang presinsiya ng mga protena na nasa loong ng isang cell ng HIV virus. Dito rin malalaman ang nagiging dahilan ng pagkakasakit ng taong may HIV at ang klase ng strain ng HIV meron nito. Try to click this link for more information: http://en.wikipedia.org/wiki/Western_blot
Tulad ng sinabi ko sa mga naunang post ko na wala pang kompermasyon ang huling test sa akin. Habang ako'y naghihintay ng resulta minabuti ko munang umuwi ng Maynila para madalaw ang aking mga mahal sa buhay at masabi ko na rin sa kanila ang masamang balita tungkol sa aking sakit. Maraming bumagabag sa akin habang naghihintay ako ng araw ng pagalis. Isa na rito kung may lakas ba ako ng loob na sabihin sa kapatid ko na may sakit akung tulad nito.
[Ika - 19 ng Mayo 2012]
Isang araw ang nakalipas simula ng nalaman ko na positibo ako sa HIV sa ikatlong pagkakataon. Kailngan kung kalimutan pansamantala ang tungkol sa bagay na ito pansamantala upang masulit ko naman at marelax pansamantala pagkatapos ng lahat nangyari sa akin. Dalawang linggo akung magbabakasyon sa Maynila na kung saan maraming oras at panahon ng paghahanda upang sabihin ang tungkol sa aking karamdaman. Dumating ako ng Maynila ng gabing iyon at masayang masaya ako dahil nandito ako sa lugar na kung saan ako ipinangnak at lumaki. Nandito lahat ng malalapit kung kaibigan at ang itinuring kung pangalawang pamilya ng mahabang panahon.
[Ika - 27 ng Mayo 2012]
Araw ng linggo makalipas ang anim na araw na nasa maynila ako. Maaliwalas ang araw ulap ng araw na ito. Tahimik ang kapaligiran at tanging tunog ng sasakyan sa kalye lamang ang iyong maririnig. Masaya ang gising ko ng araw na ito. Araw ng linggo ito ang araw na kailangan kung bisitahin ang isang lugar na madalas puntahan naming magina noong siya nabubuhay pa ang simbahan ng Quiapo. Inaya ko ang aking matalik na kaibigan at kababatang si Bonyok na samahan ako sa Quiapo na magsimba. Bakante naman ang oras niya ng araw na iyon kaya makapagbonding kaming dalawa na matagal na naming hindi nagagawa. Pagdating namin sa Quiapo sa unang pagtapak ng aking kanang paa sa sahig ng simbahan ay nangilid ang aking luha. Subrang naramdaman ko ang loob at presinsiya ng maykapal sa loob ng simbahan na pakiramdam ko ay tanging ako at ang Diyos lamang ang nasa loob ng kuwartong iyon at walang ibang tao. Napaluha ako dahil sa matagal na panahong ding hindi ako nakabisita sa simbahang iyon. Ito ang poong itim na nazareno, ito ang simabahan lagi naming pinupuntahan naming magina. Tahimik ang kapaligiran at tanging boses lamang ng pare ang iyong maririnig at ang musika ng simbahan. Taimtim akung nagdasal at humingi ng kapatawaran sa lahat ng nagawa kung pagkakamali at kasalanan sa kanya. Di ko na naiwasan pang lumuha sa nakapikit kung mga mata at ang isip kung nakatoon lamang sa kanya. Pagkaraan ng 30 minuto sa loob ng simbahan naging mapayapa ang aking pakiramdam. Humingi ako ng lakas ng loob at gabay sa kanya na ito ang araw na sasabihin ko ang katotohanan kay Bonyok at sa kapatid niya na si Erika. Nagkita-kita kaming tatlo kasama ang bunsong anak ni Erika na si Mac. Sabay sabay kaming naghapunan sa isang resturan dito sa Makati. Sa gitna ng aming salo-salo at paguusap seryoso akung nagtanong sa kanila. Tatangapin pa rin ba nila ako bilang kapatid, kaibigan at kapamilya nila pagnalaman nila ang tungkol sa aking sakit. Walang dalawang salita sinagot nila ako si Ate Erika kinabahan sa aking inasal. Si Bonyok nanahimik at naghihintay sa aking sasabihin. Buong tapang kung sinabi sa kanila ang tungkol sa sakit ko na walang ibang nakakaalam kundi si White at ako lamang. Nanahimik ang lahat, Nagulat sa masamang balitang aking sinabi, hindi alam kung paano magrereact sa narinig. Pagkaraan ng ilang minutong katahimikan niyakap ako ni Ate Erika at sinabing wala na tayong magagawa diyan kundi ang tangapin ang katotohanan. Mamuhay ng normal tulad ng iba at magdasal. Masaya ako sa aking narinig mula kay Ate Erika positibo nilang tinangap ang balita. Gayundin sa aking matalik na kaibigan na si Bonyok. Bigla sa gitna ng seryosong usapan ay nangibabaw ang tawanan dahil sa sinabi kung "MALANDI" kasi ako ha ha ha. Tawanan ang lahat muli pinagpatuloy namin ang aming bonding moment na tatlong magkakapatid. Natapos ang araw na ito na masaya ako dahil una nadalaw ko ang Simabahan na matagal ko ng hindi nadadalaw. Pangalawa nakasama ko ang bestfriend ko ng buong araw pati na ang aking inaanak at si ate erika. Pangatlo nasabi ko sa kanila ang tungkol sa aking karamdaman at buong pagmamahal pa din nila akung tinangap ng walang pagaalinlangan. Salamat sa Diyos at binigyan niya ako ng lakas ng loob na sabihin ang lahat sa aking pangalawang pamilya. Sino kaya ang susunod kung pagsasabihan? Abangan sa susunod na post ko. Salamat
Thursday, June 7, 2012
Pagtangap sa Masamang Balita
Handa ka na bang malaman ang katotohanan? Handa ka bang tangapin ang masamang balita? Hindi mo alam kung paano ka magrereaact sa isang balita na sa tingin mo ay ikabibigla mo o kung paano din tatangapin ng iba. Nais kung ibahagi ang kuwento ng aking buhay sa kung saan paano ko tinangap ang balitang di ko kailanman inakalang magkakaroon ako o mangyayari pala sa akin ang hindi ko inaasahang balita. Ang katotohanan sa pagtanggap ng masamang balita.
[Ika - 30 ng Abril taong 2012]
Balisa ang aking katawan at pagod sa maghapong byahe sa isang iskarsyon sa isang isla sa pilipinas. Pagdating ko ng bahay hindi ko akalaing magiging ganito ang aking pakiramdam na akoy hapong hapo na hinahabol ko ang aking paghinga. Ang kasama ko sa bahay na si White ay napansin ang aking hindi magandang kondisyon. Inaya niya akung pumunta ng hospital upang magpatingin. Tinangihan ko ang kanyang alok bagkus akoy nahiga at nagpahinga na lamang. Lumipas ang magdamag dakong ikatlo ng umaga nagising ako at uminom ng tubig ngunit sa sandaling naglakad ako ay para na akung babagsak at habol ang aking paghinga na subrang lapit lang naman ng lamisa sa aming higaan na kung saan nandun ang lalagyan ng tubig. Natakot ako at inaya ko na si White na dalhin ako sa hospital. Dagling nataranta si White dahil subrang namumutla na ako at dahil na rin sa pagbalikwas niya ng gising mula sa pagkakahimbing ng tulog. Dinala niya ako sa isang kilalang pribadong hospital sa aming lugar. Inasikaso ako ng ispisyalista na naka duty ng araw na iyon. Inakala ng doctor ay may sakit ako sa puso sa edad ko na 28 ay nagulat sila kung bakit ganun kabilis ang pagtibok ng aking puso at pulso. Nagmadali silang dalhin ako sa cardioroom para suriing mabuti at makita ang dahilan ng aking sakit. Dumating na rin ang aking pribadong doktor at sinuri akung mabuti. Pagkaraan ng ilang oras nailipat na ako sa isang pribadong kuwarto at doon ay nakiusap si Dr. Y na kung pwede niya akung makusap ng prebado. Pinalabas ko si White ng kuwarto at nagusap kaming tatlo si Dr. Y at Dr. X. Nagulat ako sa kanilang mga personal na tanong tungkol sa aking prebadong pamumuhay at humantong siya sa tanong na "nakapag pa test ka na ba ng HIV noon?" sabi ko OO dalawang taon na ang nakaraan at negatibo ang resulta ng test na iyon. "Ok lang ba na magpatest ka ulit para lang sa pansariling prebinsyon. Pumayag ako na magpaHIV test ulit total dalawang taon na rin naman ang nakalipas ng huli akung nakapagpatest. Noong araw din na iyon kinuhaan ako ng dugo para sa test. Sabi ni Dr. X ang dahilan ng aking paghingal o paghirap sa paghinga ay ang aking pneumonia na bumalik dahil nagkaroon din ako ng dengue isang buwan na ang nakalilipas. Binigyan ako ng karampatang gamot at iba pang mga laboratory test para akoy gumaling. Nasambit naman ni Dr. Y na makukuha ang resulta ng HIV test pagkaraan ng limang araw.
[Ika - 04 ng Mayo 2012]
Ito ang ikalimang araw ko sa hospital at ito na rin ang araw na kung saan malalaman nanaman na namin ang resulta ng HIV test. Naghintay kaming dalawa ni White buong araw at ako'y balisa dahil sa totoo lang ako'y kinakabahan sa magiging resulta ng test ngunit sa kabilang dako ng aking isipan alam kung nagingat ako at gumamit ako ng proteksyon sa mga taong nakadaupang palad. ikalima ng hapon pumasok sa amingh silid si Dr.X at Dr.Y sinabi nila sa aking wala pang resulta ang test dahil nagkaproblema daw doon sa dugong kinuha nila sa akin at kailngan ulitin ang test. Medyo uminit ng kunti ang ulo ko ngunit di ko ito pinahalata sa lahat dahil sa nangyari lalong nadagdagan ang aking iisipin sa kung ano ba talaga ang nangyari sa dugo at ang tunay na resulta. Lumabas na ang dalawang doktor. Di ko alam kung paano ko tatangpin ang ganitong klaseng mga dahilan na wala man lang linaw o kasiguraduhan. Muling bumalik si Dr.Y sa aming kuwarto at sinabi niyang kailangan kunan ako ng bagong dugo dahil ipapadala daw nila sa maynila ang sample ng ang aking dugo para dun ipagawa ang test. Diyos ko po ano ba ang nangyayari sa mga doktor na ito bakit hindi na lang nila sabihin ang katotohanan sa akin. Bakit kailangan pa nilang itago ang tunay na resulta ng test. Linggo pinauwi na ako ni Dr.X at kailangan ko na lang magfollow-up check up sa isang infectious doctor para sa kaukulang inpormasyon. Nabigla ako kay Dr.X bakit niya ako nirefer sa isang infectous doctor. Pagkaraan ng tatlong araw bumisita ako kay Dr.F isang ispesyalista sa infection. Pinagusapan namin ang lahat ng personal at prebado kung buhay at doon ako nabigyang linaw sa pagulit ng test. Ayaw palang sabihin ng mga doctor sa akin ang tunay na resulta ng summary test ng HIV ko. Positibo ako sa HIV yun ang tunay na result ayon kay Dr.F pero kailangan ng kompermasyon mula sa isang exklosibong hospital sa Maynila. Noong una ayokong maniwala na positibo ako pero pinaghandaan ko na rin ang ganitong pangyayari. Pinayuhan ako ni Dr.F na magingat sa mga bagay bagay na pwedeng makasama sa aking kalusugan. Sinunod ko ang payo ni Dr.F
[Ika - 18 ng Mayo 2012]
Umaga ng araw na ito dalawang linggo na ang nakalilipas ng nalaman ko na positibo ako sa HIV ngunit kailangan ko pa ring maniguro sa masamang balita na ito. Kaya pumunta ako sa isang prebadong klinika malapit sa hospital. Sa klinika tinanong ako ng nurse kung saan ko gagamitin ang pagpapa HIV test sabi ko sa pansarili ko lang. Isang oras lang ang aking hihintayin upang makuha ang resulta. Kumain na muna ako sa KFC at tenxt ko si White na nagpakuha ulit ako ng HIV test sa isang bribadong klinika na si White ay kasalukuyang nasa opisina. Habang akoy kumakain ang daming pumapasok sa aking isip, mga tanong na hindi ko kayang sagutin, mga sinaryong na ngayon lang nasagi sa aking magulong isipan. Pagkaraan ng isang oras bumalik na ako sa klinika. Pinapasok ako sa isang silid kasama ang doktor na may dala ng resulta. Sa pangalawang beses na nagpaHIV test ako buong laya ko itong tinangap at wala akung kahit anong pagaalinlangan, ni gilit ng luha sa aking mata ay walang lumabas. Oo! positibo talaga ako sabi ng doktor tulad din ng sinabi nila Dr.Y, DR.X at Dr.F ay sample ng aking dugo ay ipapadala sa maynila upang makasiguro sa resulta.
Ang lahat ay may kanya kanyang dahilan. Ang lahat nang yayari sa atin sa pangaraw-araw na pamumuhay ay mga pangyayaring hindi nating inaasahan. Pangyayari na kung saan ang lahat ay may kaukulang tanong at kasugutang unti-unting lumilinaw sa ating sarili. Wala akung kahit sinong tao sa masamang balitang ito na sa hinagap ay di ko akalaing magkakaroon ako. Hindi ko sinisi si White na kahit alam kung nangaling siya sa isang bansang mataas ang bilang ng HIV case. Wala akung pagaalinlangan na tangapin ang katotohanan na ako ngayon kabila na sa milyong milyong may sakit na HIV/AIDS. Hindi ko ito ikinahihiya ngunit kailangan ko pa din itago ang aking sarili para na rin sa kabutihan ng aking pamilya, kaibigan, at ng iba pang mga taong nakakilala sa akin. Ibat iba ang pananaw ng tao sa sakit na ito. Mga taong hindi mo alam kung paano nila tatangapin o pakikitunguhan ang mga tulad natin. Marami sa kanila na hindi katangaptangap ang mga may ganitong uri ng sakit. Ngunit sa kabila ng mga diskreminasyong ito nandyan ang Diyos, Pamilya at malalapit na Kaibigang buong puso kang tinangap at hinding hindi ka nila pababayaan bagkus susuportahan ka pa nila sa paglaban sa sakit na ito. Kaya wala tayong ibang dapat gawin kundi ang tangapin ang masamang balitang ating natangap at gawing lakas ang pagmamahal at suportang ibinibigay sa atin ng ating pamilya at mabubuting kaibigan. Maraming salamat sa inyong pagbasa sa aking blog sanay maging insperasyon or makatulong ako sa inyong lahat.
Wednesday, June 6, 2012
Maligayang Kaarawan sa Pinakamamahal Kung Ina
Ito ang pinakamahalagang araw para sa akin, dahil ito ang araw na kung saan isinilang sa mundong ito ang aking pinakamamahal na Ina. Sa kanyang kadikalaan at pagmamahal sa aming magkakapatid ay lubos kung ipinagdiriwang ang araw na ito. Kahit na sa kabila ng lahat ng aking ginagawa at paglaban sa aking sakit. Di ko kailanman malilimutan ang taong nagbigay sa akin ng buhay. Ang taong nangarap sa akin na mabuhay ng mayapa at makapagtapos ng pagaaral. Dahil sa kanya nabuhay ako at isinilang din sa mundong kanyang ginalawan. Sa mundo na kung saan maraming pagsubok ang aming pinagdaanan. Maraming bises na lumuhod sa lupa at nagbakasakaling muling makakatayo sa pagkakalugmok. Hindi na bigo ang aking Ina sa kanyang mga ginawa para sa aming lahat na magkakapatid. Kaya maraming salamat sa iyo aking Ina, ibinuwis mo ang iyong buhay para sa akin at para aming lahat. Ma, hinihingi ko din ang iyong kapatawaran sa nagawa kung kasalanan. Patawarin mo ako dahil sa hindi ako nagingat sa mga taong nakapaligid sa akin, patawarin mo nawa ako dahil sa mga pagkakamaling mga nagawa ko sayo, patawarin mo po ako sa mga kabiguaang aking natamo. Ngayon akoy nagdurusa sa aking karamdaman. Huwag mo po sana akung pababayaan mahal kung Ina. Ikaw ang tanging sandalan at takbuhan ko sa tuwing akoy mangungulila at nagiging magisa. Ma huwag mo po sana akung pababayaan sa araw-araw. Ikaw pa rin ang liwanag sa aking madilim sa daan. Ikaw pa rin ang aking tanglaw sa malayong lalakbaying daanan. Ikaw ang aking lakas upang harapin ang lahat ng pagsubok sa aking buhay. Ikaw ang aking kaluluwa at buhay na walang hanggan. Ang iyong walang hanggang pagmamahal sa akin ay magsisilbing lakas upang ako'y manatiling buhay sa kabila ng nagbabadyang kamatayan. Ang walang hanggang pagmamahal mo ang magliligtas sa akin sa bingit ng kamatayan. Hindi ako mawawalan ng pagasang gawin lahat ang paraan upang mapahaba pa ang aking buhay, dahil sayo kaya ako narito. Saan ka man naroroon mahal kung Ina ikay mananatili sa aking puso ang lagablab ng apoy sa iyong puso ang magsisilbing tanglaw ko sa kinabukasan. Maligayang kaarawan sa iyo mahal kung Ina.
Paano? Kailan? Saan? at Sino?
Di ko alam kung paano ko sisimulan ang blog na ito pero ito lang din ang tanging paraan ko na mailabas ang lahat ng nararamdaman ng puso at laman ng isip ko at maibahagi na rin sa iba ang aking kuwento. Maging ito man ay insperasyon or payo sa ibang tao. Paano ko ba sisimulan ang lahat? Paano ba ako mabubuhay ng matiwasay na walang iniisip na problema Lahat tayo may kanya kanyang pananaw sa buhay na kung saan ating iniisip ang mabuhay ng walang kahit anong iniisip na sakit. Ngunit ang lahat ng ito ay walang kasiguraduhan na kung kailan mangyayari at kung sa paanong paraan ito darating sa atin. Kailan mo ba malalaman na sa pakiramdam mo ay ok ka ngunit hindi mo alam sa kabila ng masigla at malusog mong pangangatawan ay may kung anong organismo na pala sa loob ng iyong katawan na unti-unting pumapatay sa iyo. Ngayon magtatanong ka sa iyong sarili na saan ko ba nakuha ang sakit na ito? Sa simpleng lagnat na iyong naramdaman ay bigla ka na lang manghihina na sa pakiramdam mo ay katapusan mo na o pakiramdam mo ay mamatay ka na bukas. Maraming pumapasok na tanong sa ating isipan na kung ano anong bagay na hindi mo naman masagot ng maayos sa iyong sarili. Hindi mabigyang linaw ang lahat. Higit sa lahat ang tanong na sino o kanino ko ba nakuha ang sakit na ito? sino ba ang nagbigay sa akin nito? Walang sagot sa tanong na ito na kung alam mo sa iyong sarili na marami kang nakasalamuhang tao na kung saan ay panandaliaan kung lumigay sa kanlungan ng iba. Walang sinong tao ang taong tatangi sa makamundong kaligayahan kahit sino gugustohin maranasan or maramdaman ang ganitong kaligayahan, tama? Marami tayong gustong itanong sa ating sarili pero isang tao lang ang makakasagot ng lahat ng ito kundi ikaw, ikaw mismo sa sarili mo. Ang tanging magagawa natin ay tangapin ang kahit anong dumating na pagsubok sa ating buhay. Mamuhay ng malaya at normal tulad ng iba. Ipagpasalamat ang bawat umagang binibigay ng may kapal. Ipagpasalamat ang bawat biyayang natatangap natin mula sa kanya maging ito man ay problema o grasya. Ipagdasal na darating ang araw o panahon na tayo ay gagaling sa tulong niya at naway gabayan niya tayo sa araw-araw ating pamumuhay sa masayang mundong ating ginagawalan.
Subscribe to:
Posts (Atom)